kung magmulat ako isang araw, sino nga ba ang nakikita ko? ikaw lang …i see myself with no one but you…ipikit ko man o imulat ang aking mga mata…buksan mo man kung sino ang laman ng aking isipan…ikaw…at ikaw lamang. sabi mo pag-isipan ko…hindi ko kailangan ang araw o ang gabi o ng oras para mag-isip…hindi ko na kailangang mag-isip pa…ano’ng iisipin ng isipan ko…kung buong puso ko nalulunod na sa pangalan mo? ang bawat minuto o segundo ay walang importansya kung hindi rin lang ikaw ang kasama ko…ikaw ang gusto ko…ikaw ang tinitibok nito <3. wala akong dahilan o rason…ni hindi ko na kayang mag-isip…binabase ko na lamang ang lahat-lahat sa kung anumang nararamdaman ng puso ko. kaya ko namang magtiis…maghintay ng kahit kailan…umiyak hanggang marinig ng langit ang dasal ko…umasa hanggang maramdaman mo ang pag-ibig ko…dahakin ang landas papunta sa’yo…kaya ko naman ang lahat ng ito – sabihin mo lang…banggitin mo lang…at gagawin ko. hamak lang ako…dukha sa paningin ko…wala akong maaaring ipagmalaki sa’yo kundi ito…walang aksyon o salitang maririnig ka sa telepono…walang rosas o tsokalateng maipamamahagi…walang yakap na sasalubong sa’yo…walang halik…wala…naglalakas loob lamang…nagbabakasakali na ang mga salitang ito’y maging patunay…walang basehan o karapatan man lamang…pero buong-buo…wala akong ibang hinahangad, alam mo yon…wala…ikaw lang…ikaw na lang ang kulang…
.para kay dame.
Monday, November 12, 2007
.how do i love thee.
Why is it that when I have to leave…I can’t seem to move…
Can’t get used to the many times you’ve made me cry
I was just about to go…
But then, my feet were like trees rooted on their grounds…
I couldn’t dare to move…couldn’t seem to bend…
Even if I blinked and looked at your face…
I’m stuck in you and in between…
This is the stand of one being honored
While taking my price…nervous…sweats dripping…
Anxiously waiting…
Though facing down I keep my eye on the gold….
Or like a devote Christian…
Quietly praying, deep…just like my prayers often said…
Mentioned like it’s a ritual…
Though not facing the saint nor the pictures
Just like saying a prayer for a hero that’s just about to die
No chance to think, nor talk…
Wholeheartedly he gives…
Unconditionally he loves…
He says goodbye…but he’ll leave his memories…
That’ll be written in books, it’ll be kept in mind…
Of the young ones…and their younger ones…
And like a story…it never ends…
Just like how a circle is rounded…
Infinite and incessant…
Though it falls…it’ll forever keep its shape…
Wouldn’t fail to falter…weakened or deteriorate…
That’s how I love…that’s how I love thee…
Without knowing the years…the place…nor the words…
Nor its significance…
No distance will separate the countless I love you’s…
Nor it is able to divide…
Even if you leave me many times, get hurt…
And be wounded by your love…
This goodbye will not be my witness for
My undying love…I will love until I see you…
Until separation…I will love you…
Until uncertainties…I will love you…
Even if you leave and come back…
I will proudly say how much I love you,
And will repeatedly say…it’s you and only you…
It’s you and you…and you…

Wednesday, January 17, 2007
munting alaala
Naaalala ko ang aking nakaraan, simula pa nuong ako’y dalawang taon pa lamang. Kumbaga – pigment of memories, putol putol, halo-halo.. minsan tuloy hindi ko na maintindihan kung ito ba’y may katotohanan o haka haka lamang ng aking isipan.
Naaamoy ko pa rin hanggang ngayon ang pagluluto ng aking pumanaw na lola ng kanyang adobong matanda, na ibinabahog pati mantika nito sa aking kanin…na binibilog ng kamay sa aking pinggan para isubo sa aking bibig. Ang lasa ng sarsi or sarsa-parilya (sarsi na may kasamang itlog na hilaw) sa aking lalamunan, kung sakaling mabilaukan.
Ang sangsang ng amoy ng kanyang bagoong na sadya atang namumula sa anghang, na kahit ito na lamang ang ulam ay sapat na para maramdaman na ako’y busog. Kanin na may asukal at ang daing sa may sampayan – na inuulam sa tanghalian. Ang amoy ng san miguel beer at pulutan ng aking ama at ng kanyang mga kumpadreng wala na yatang ginawa kundi ang magsabong, at mag-inom tuwing araw-araw.
Ang pagsama-sama ko sa aking mama – sa sugalan…sa may bigasan…hanggang magdamagan…para magpustahan…sa larong enter-kwatro yata yun…ang amoy ng “nganga” sa mga bunganga ng mga kalaban niya – na ibunubuga sa semento – na minsan naaapakan ko. Ang pagpipisil nila sa aking pisngi na kinamumuhian ko, sa baho ng kanilang mga kamay na dumadapo sa mukha ko.
Ang mga tilaok ng mga manok pansabong sa umaga, at pagtahol ng aso naming si “bantay”. Ang pag-aaway naming magkakapatid – at ang mga hagupit ng patpat sa aming mga puwit – kapag hindi kami tumigil sa pagngitngit ay hanggang ngayon nagbibigay pa rin ng ngiti sa aking mukha. Malaking lupain, palaisdaan, babuyan, manukan…lahat na yata ng klase ng hayop at halaman, meron kami…sa gitna na nito ay maliit na bahay, isang heganteng kama, na pilit pinagkaksya naming lima sa gabi…na kahit masikip…o malamok ay di na rin namin alintana. Ang panunood ng “3 stooges” sa black and white na tv…na nasira na ang pihikan dahil sa paglipat-lipat ng tsanel.
Ang pamimitas ng aratilis na dapat ay pakain na lamang sa ibon – unahan kung sino makakaipon nuon. Ang paglalaro ng palayok at bahay-bahayan – luto-lutuan ng gumamelang bumubula…at paggawa ng kwintas mula sa tangkay ng kamote. Ang paghihintay sa pag-uwi ng aking inang galing sa tindahan, na may dalang tsokalate na nakabalot sa gintong barya. Flat tops, zebzeb at ang snobol sa kanto – na madalas bilihin para maibsan ang uhaw at para na rin pumula ang maliliit na mga labi.
Ang duyan sa may entrada, na tinutulugan pagkatapos mananghalian. Ang pag-igib ng tubig sa balon, at paglalaba ruon ng aking nanay. Ang paliligo sa may bukal, kasama ang aking dalawang nakatatandang kapatid na babae, pati na rin ang aking ama’t ina, ang amoy ng “gee, your hair smells terrific”…o ng gugo na may halong kalamansi at ang walang kupas na safeguard, na pinagpasapasahan ng aking pamilya – ang tubig na dumadaloy sa bukal – at ang hapdi ng sabon sa aking mata.
Ang pagsama-sama namin sa maliit na grocery store ng aking ama’t ina – ang pag-papak ng bigas, na sanhi daw ng mga bulate sa aming mga tiyan. Ang pagkalbo sa aming mga ulo, para daw kumapal ang aming mga buhok. Ang pagpahid ng langis ng niyog sa aking ulo – at likod para maiwasan daw ang sakit. At pagpapa-inom sa akin ng pinigang oregano para sa aking ubo.
Nakaka-miss kasi akala ko’y magtatagal – subalit naudlot ng magpasyang umalis ng bansa ang aking ina – para mapantayan ang yaman ng aking ama. Tatlong taon ako nuon – kayraming mga pangyayari na naibaon sa aking isip – na hanggang ngayon ay naka-ukit.
Ang paghahatid sa eyrport – ang pagtataka sa aking mukha – at kung bakit ang lahat ay umiiyak, ang pagyakap sa akin ng aking ina, ng aking mama – at pagsabi sa akin na siya ay babalik rin maya-maya. Ang paglagay nya ng bimpong may tatak na “good morning” sa aking likod at sabay halik ng matagal sa aking pisngi – na may halong hikbi…pinapatibay ang loob para di maramdaman ng mga anak na siya’y mawawala ng matagal.
Hanggang duon lang ang aking ala-ala…ang mga sumusunod lamang na taon ay pawang mga iyak sa gabi, ang paghiling sa bulalakaw, ang pagdadasal sa Panginoon na mabuo muli ang aking pamilya…na kahit na naghihirap ay ayos lang – na kahit na nag-aaway ang aking mga magulang ay okay lang…basta kami ay magkakasama.
Ang pag-uuwi at pagdadala ng aking daddy ng kanyang mga babae, ang pag-ungol ng mga ito sa kamang minsan ay aming tinulugan…ang tawanan at ang mga ngiti sa mukha nila paglabas ng kwarto…ang pagbibigay nya sa akin ng “yan yan”, “chippy” o dalawang-piso na kulay blue, sulsol para sa aking mga tanong at para daw di ako mag-sumbong.
Sa edad na tatlong taon – ako raw ay walang muwang o karapatan na magtanong, sapagka’t ako raw ay sinungaling at walang alam kung ano ang katotohanan. Na hindi man lang naitanong sa akin kung ang mga aksyon ba ng aking daddy ay tama at makahulugan.
Ang mga udyok ng aking mga tiyahin at pag-brainwash sa akin na okay lang daw ito, sapagkat nalulungkot daw ang aking daddy at ito ay natural lamang sa mga lalaki na mambabae at gumamit ng babae…lalung-lalo na kung ang asawa naman ay malayo sa kanya. Na wala daw akong dapat ipag-alala dahil ang ama’t ina ko naman ay kasal. Kasal sa mata ng Diyos at ng batas. Pero para ano pa ba’t, sumumpa sila sa Diyos, na sila’y magsasama sa hirap at ginhawa.
Mga pangakong wala namang katuparan o kahulugan. Oo nga’t nasunod ang aming mga layaw, nagkaroon ng bagong mga damit sa bawat okasyon, at handa sa aming kaarawan, nakatikim ng tsokalate at laruang esteytsayds daw…ngunit ang mga ito’y wala namang saysay, walang halaga…dahil sa gabi’y umiiyak pa rin…humihiling pa rin…at nagdarasal ng mataimtim…
Masasabi mo bang ako ay malupit dahil may galit pa rin sa aking dibdib sa aking mga magulang na dalawampu’t tatlong taon ng hiwalay? masisisi mo ba ako kung ako ngayon ay babaeng umiibig sa babae. Dahil na rin siguro sa takot na matulad sa aking ama’t ina, na ang mga tunay na anak ngayon ay pawang mga ulilang musmos na nasasabik sa yakap ng ina at gabay ng isang ama? nagmumukmok sa isang tabi, nagbabakasakaling problema’y maisantabi.
ito ang aking mga ala-ala…putol-putol o munti man ay higante ang halaga sa aking buhay…

Subscribe to:
Posts (Atom)