kung magmulat ako isang araw, sino nga ba ang nakikita ko? ikaw lang …i see myself with no one but you…ipikit ko man o imulat ang aking mga mata…buksan mo man kung sino ang laman ng aking isipan…ikaw…at ikaw lamang. sabi mo pag-isipan ko…hindi ko kailangan ang araw o ang gabi o ng oras para mag-isip…hindi ko na kailangang mag-isip pa…ano’ng iisipin ng isipan ko…kung buong puso ko nalulunod na sa pangalan mo? ang bawat minuto o segundo ay walang importansya kung hindi rin lang ikaw ang kasama ko…ikaw ang gusto ko…ikaw ang tinitibok nito <3. wala akong dahilan o rason…ni hindi ko na kayang mag-isip…binabase ko na lamang ang lahat-lahat sa kung anumang nararamdaman ng puso ko. kaya ko namang magtiis…maghintay ng kahit kailan…umiyak hanggang marinig ng langit ang dasal ko…umasa hanggang maramdaman mo ang pag-ibig ko…dahakin ang landas papunta sa’yo…kaya ko naman ang lahat ng ito – sabihin mo lang…banggitin mo lang…at gagawin ko. hamak lang ako…dukha sa paningin ko…wala akong maaaring ipagmalaki sa’yo kundi ito…walang aksyon o salitang maririnig ka sa telepono…walang rosas o tsokalateng maipamamahagi…walang yakap na sasalubong sa’yo…walang halik…wala…naglalakas loob lamang…nagbabakasakali na ang mga salitang ito’y maging patunay…walang basehan o karapatan man lamang…pero buong-buo…wala akong ibang hinahangad, alam mo yon…wala…ikaw lang…ikaw na lang ang kulang…
.para kay dame.
Monday, November 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment